credits to: ph.news.yahoo.com and NB/TJD, GMA News
First of all I would just like to use my right to express my opinion regarding this article, Thank you Yahoo Philippines and GMA News for sharing this lovely News to us. :) and please let me post this blog using my native language so everyone who could read this would understand my point. :)
Ngayon ay panahon ng Information Technology, karamihan sa mga business processes ay automated na, may mga kanya kanya ng automation systems ang mga bawat kumpanya, negosyo o departamento ng gobyerno upang mapabilis ang trabaho, makapag bigay ng mabilis na serbisyo at mas reliable and accurate na data.
Ngayon ay panahon na ng Smartphones at tablets, kahit saan ka magpunta makikita mo ang mga bawat tao ay may mga touch screen na gadgets, maliit man o malalaki, gamit ang makabagong teknolohiya ngayon, madali na natin nakakausap ang mga kamag anak natin sa ibang bansa, mga kaibigan nating nasa malalayong lugar at nakakapag search na tayo ng mga impormasyon na makakatulong sa atin sa pag aaral o kaya sa pagtatrabaho.
O siya tama na ang introduction magsisimula na ako. :)
Maraming salamat sa senator na gustong mag-pasa ng bill na to at maging parte ng ating batas, yehey! free wifi sa buong metro! ang saya saya, di na maglo-load ang karamihan para makagamit lang nga mga social networking sites, Yehey! makakapag-upload na ang karamihan ng mga kabataan ngayon ng kanilang mga selfie kahit saan sila magpunta, Yehey! Dahil free na ang wifi sa metro, magagawa na ng mga tao ang gusto nila sa internet. :)
Eh pero matanong ko lang po?
1. Magkano naman po ang budget ng gobyerno ng Pilipinas para ma-maintain ito sa pang matagalang panahon?
- Sabihin na natin may Php 1M per month ang nakalaang budget dito, WOW! Ang laki laki naman! :)
2. Dahil free wifi, edi mas tataas ang percentage ng CyberBullying dito sa Pilipinas?
- Kasi kahit saan may madapa lang at picturan ng ibang tao pwede ng i-upload diba?
3. Baka po tumaas ang percentage ng mga kabataan na pwede ng um-access sa mga porn sites?
- Kasi nga free wifi diba? pwede na nila ma-search yang mga ganyang bagay diba?
4. Kung may budget po kayo para mapatupad tong batas / bill na to, may budget din po ba kayo para sa LIBRENG EDUCATION AT PAKAIN SA MGA BATANG MAHIHIRAP AT NAGUGUTOM SA BANSANG PILIPINAS?
- GUSTO KO LANG PONG ITANONG BAKA SAKALING MAY BUDGET DIN PO KAYO PARA SA LIBRENG PAARAL SA MGA BATANG NANGANGAILANGAN NG LIBRENG EDUCATION AT KUNG MAY BUDGET DIN PO KAYO PARA SA LIBRENG PAKAIN SA MGA KABATAANG NAGUGUTOM AT NAG SA-SUFFER SA MALNUTRITION. gusto ko lang po capslock para mas hard! :)
5. Kung naisip niyo po tong bill na ito, naisip niyo din po ba kung paano puksain ang CORRUPTION dito sa bansa natin?
- gusto ko lang din po tong itanong. :)
6. Kung naisip niyo po tong bill na ito, naisip niyo din po ba kung paano mapapaganda ang Education dito sa ating bansa gamit ang maaring budget na ilalaan sa libreng wifi sa buong metro?
- promise gusto ko lang din po tong itanong. :)
7. Kung naisip niyo po tong bill na ito, naisip niyo din po ba kung paano niyo po mapapababa ang singilin ng kuryente, tubig at TAX/VAT para po makaluwag luwag naman po kaming mga nagtatrabaho at magkaroon ng mas magandang future ang aming mga pamilya?
- swear po talaga gusto ko lang itong itanong. :)
8. Kung naisip niyo po tong bill na ito, naisip niyo din po bang bigyan ng libreng education ang mga kabataang nangagailangan nito, pakain sa mga batang nagugutom at nagsa-suffer sa malnutrition at marangal na trabaho sa bawat Pilipinong nakapag aral at hindi nakapag aral?
- diba more more work, more more job, more more tax para sa gobyerno? :)
9. Kung naisip niyo po tong bill na ito, naisip niyo din po ba ang mga naisip ko at ang mga tanong ko para sainyo at para sa buong miyembro ng mga senador?
- kung ang sagot niyo po ay naisip niyo din ang lahat ng mga ito, ee bakit di niyo po mas gawan ng BILL/BATAS ang mga bagay bagay na importante kesa po sa Free Wifi sa buong metro na magiging dagdag gastos lang naman po yan at for sure hindi naman po 90% ng mga pinoy makikinabang diyan ?
10. Kung ipupush niyo po ito, makakapag download po ba kami ng 5 movies per day? Kung hindi po, wag niyo na lang po ito ituloy at gumawa na lang po kayo o tayong lahat ng tama para sa ikabubuti nating lahat.
PS: Since Free wifi sa buong metro, kung mabagal po ang internet connection saan po kami pwedeng mag-reklamo at pabilisin ang internet connection??
Regards,
MikeruChan^^
No comments:
Post a Comment